Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/5/14

Heto Na Nga, Back To The Future

Tags:
@ 06:20 PM (18 months, 16 days ago)

Mahal kong Sunshine in my cup:

ANG FUTURE na inaabangan ng marami ang isang bagay na ayaw ko muna sanang dumating hangga't hindi pa klaro sa plano kung paano ba ang mabuting gawin sa tambak ng mga natenggang unfinished businesses.

Kagabi, nagkapanahon akong titigan ang ambon habang pauwi kami.  Sa tapat ng lamp post, kitang-kita ko na parang nalalaglag na buhangin ang anggi.  Pakiwal-kiwal ito na parang naliliyo sa hangin.  Pero kahit paano pa siya tangayin ng hangin, walang makapigil sa pagpatak nito.  Makulit.

Ang future, parang ulan.  Makulit din.  Hindi mapigil sa pagdating.  Mentras pinipigil mo, lalong bumibigat.  Kahit anong klaseng distraction o hangin pa ang umihip, bubuhos pa rin.  Parang mga bagay-bagay na dating malaking ulap lang ng what-if thought sa guni-guni na nag-materialize na ngayon para maramdaman.

Sa tingin ko, hindi ko na kayang i-distract ang sarili ko.  Kahit siguro mapuno ako ng intindihin, may mga bagay talaga na nangingibabaw at kailangang asikasuhin.  Andito na ako sa eksena na hindi ko na matakasan ang totoo.  Kailangan ko na talagang aminin sa sarili ko na tulad ng konsepto ng ulan, may damdaming masyado nang mabigat para pigilin ang pagbagsak. 

Pasensya na kung panira ako ng katahimikan ng eksena mo, pero hindi ko na mahintay ang oras dahil kailangan ko nang sabihin ngayon na gusto kita.

 

Padayon. 

 

Ps. hindi ako lasing.

2008/4/9

mucho gusto

Tags:
@ 06:36 PM (19 months, 21 days ago)

Seryosong pakikipag-usap ito sa sarili ko.  Alam kong gusto ko na  siya. At gusto ko, siya na.

Nabanggit ko ito sa isang kakilala:

"Gusto ko na siya."

Ibahin lang natin ng konti iba na ang ibig sabihin.

"Gusto ko siya na."

Iba na direksyon.

At ang reaksyon niya, "Pero in both sentences, 'sya' is passive.  It doesn't guarantee a happy ending in neither scenario."

Kaya ang tanong ko sa kanya, "What do you suggest?"

At ang sabi niya, "Sana 'siya' feels the same towards 'ko'.

Sana nga. Sana.

 

 

2008/4/8

haberdey to-yo

Tags:
@ 01:29 PM (19 months, 22 days ago)

big day ng kras ko. :) sana makapag-haberdey naman ako.  sheesh.

haberdey sunshine. :)

2008/3/5

Iwas-Pusoy

Tags:
@ 02:16 PM (20 months, 26 days ago)

NASASAKTAN AKO. Pero kailangan kitang iwasan.

2008/3/2

Putikang Pandamdam

Tags:
@ 10:53 PM (20 months, 29 days ago)

KINAKABAHAN AKO na baka kainin ko ang sinabi kong hardcore ako at hindi ako basta-basta iiyak nang dahil lang sa sweet and spicy fried noodles.   Pag nangyari yun, matatalo ako sa pustahan at magpapagupit na naman ako as a consequence.

Ginagawa ko lang bang bisyo ang pagkagusto ko sa'yo? Iniisip ko sa ngayon, kung paano ko unti-unting hihiwalayan ang pag-iisip ko sa iyo sa paraang mananatiling magkaibigan tayo at hindi mo mahahalatang nahuhulog ang loob ko nang tuluyan sa'yo.  Ayokong malaman mo na hindi totoong hindi ako interesadong maging kabahagi ng buhay mo.  Gusto ko pero natatakot ako. Putik, putik, putik. 

2007/11/23

Pagliligpit at Paglulupi ng Kumot

Tags:
@ 08:22 PM (24 months, 9 days ago)

"i found what you are like a rain." ee. cummings

BAKIT BA kapag nagliligpit-ligpit ka, andaming mga kalat na masarap titigan at gawing dahilan ng procrastination? Hindi naman lahat ng kalat ay basura. May dahilan kumbakit ang pira-piraso ng papel, bus tiket, pigtas na bracelet, pagot na beads at isang stick ng sigarilyo ay naiiwan sa isang tabi hanggang sa makalimutan mo na ito. Pero... Sapul ako ng tinuran ng isang kakilalang napikon sa kakulitan ko dati. "Let bygones be bygones." Ganun naman ang ginagawa ko ngayon. Unti-unti, nakakawala na ako sa eksena kasama siya.

Hindi ko dapat sinusulat ito dito dahil hindi ko alam kung sino sa mga hardcore kong tropa ang pwedeng makabasa nito. Sira na naman ang role portrayal ko. Hindi ko dapat sinasabi ito dito dahil baka mabasa mo ito bago ko pa ito masabi sayo sa totoong buhay. Pero kahit yata masabi ko ito ng harap-harapan, balewala lang. Ewan ko sayo. Alam kong andun na ako sa eksenang hulog na ako sa bangin, at walang siguradong superhero na lilipad at sasagip sa akin. Pero... anong magagawa ko? Nandito na nga ako kahit iniwasan kong tumakbo at sundan ang kadulu-duluhan ng kuryosidad ko sa iyo.

Gusto ko lang malaman mo na nagpapasalamat ako sa Diyos dahil dumating ka sa buhay ko kahit medyo parang Takeshi pa rin ang challenge ng friendship natin. Dahil sayo, kahit mahirap pala kaya kong maging malakas. Salamat sa pagtulong mo na mabalik ko ang tiwala kong kaya ko pa palang maging masaya.

"May dalawang klase ng tao sa mundo.  Isang gago at isang tanga.  Gago ka kapag nagmahal ka ng taong hindi ka naman mahal.  Tanga ka kung hindi mo makita ang taong nagmamahal sa iyo.  Alam kong gago ako, sana huwag kang maging tanga." ~hindi ako gago, mulciber

Ang hiling ko lang naman, sana hindi na lang Temporary High ang ibigay sa'kin. Sana yung totoo na. Kung pwede nga lang, ikaw na yun.