Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/8/18

Summer Scents

Tags:
@ 05:28 PM (15 months, 10 days ago)

UMUULAN NA naman kagabi. Minsan naiisip ko na wala nang ibang panahon sa Pilipinas kungdi tag-ulan dahil sira na siklo ng panahon.

Naalala ko tuloy, umuulan din nung makilala kita.  Pero hindi nasira ang siklo nung panahong yun. Kasi ikaw ang naging tag-araw.

Hanep, blog-material ba ito?

2008/6/10

sa pinakamainam na paraan lang

Tags:
@ 05:50 PM (17 months, 19 days ago)

mahal kong Sunshine in a cup:

bakit ba ang hirap pakisamahan ang sariling pandamdam? sarili ko na lang damdamin hindi ko pa mapagkatiwaan.

hindi man namumutawi sa labi ko ang mga gusto kong sabihin, pero nararamdaman kong habang hinuhugot ko ang mga salita sa isip ko, nauubusan ako ng lakas para tumipa sa teklado.  nanghihina ako na kinakabahan na natatakot na naluluha na nahihirapan.  para akong sinusuro ng baga sa dibdib. o parang tinapay na nilagay sa hurno at niluluto sa pugon. malaunan, hindi ko na rin kayang mag-isip.  humihinto ako para basahin at intindihin ang sarili kong isip.

ganito palagi ang epekto mo sakin. kung alam mo lang. pero kailangan kong tibayan ang resistensya ko dahil kailangan kong tiisin o harapin lahat ng sirkumstanyang pwedeng maging bunga ng kapahangasan ko. 

pinilit kong layuan ang namumuong eksena pero masyado nang huli para matakasan ko pa ang papel ko.  isa pa, baka dito talaga ako dapat mapunta para matuto.  Matanda na ako, pero marami pa rin akong hindi alam. ngunit... wag mo sanang isipin na hindi ako nag-iisip at hindi ko alam ang sinasabi ko.  matagal ko nang inisip ito at pinakiramdaman. wala nang mas tama kesa malaman mong importante ka sakin at mahal kita.

sana isang araw... ma-hug kita. huhuhu...

 

2008/4/16

Taguam-pung

Tags:
@ 01:08 PM (19 months, 14 days ago)

ITO NA yata ang sign na dapat ko nang tigilan ang malaking kalokohang ini-entertain ko sa utak ko. Haiz... nakakalungkot naman.  Buo ako sa panlabas, pero durug-durog ang kalooban ko. 

Mahal sa tago.  Dito naman ako magaling.  Sabi ni Siege, gustung-gusto ko ng distraction. Pero kahit gaano karaming distraction ang pumuno sa'kin, sa kahuli-huliha'y dapat ko pa ring alamin kung saang direksyon ako pupunta.  Ang problema hindi ko gustong umalis sa distraction dahil sa takot.  "Pero yung mga hindi pagdedesisyon na yan, isa lang ang ibig sabihin niyan.. Diba nga ang mga neutral, tahimik na pagpayag?  Kung ayaw mo talaga siyang seryosohin, wag mo nang patagalin.  Umalis ka na sa sitwasyon at wag mo nang i-contain."

"Ayokong umalis, gusto ko na siya."

"Nagugulat ako sa sinasabi mo.  Pero pag-isipan mo rin muna.  Wag ka agad susugod, baka maparis ka na naman sa dati."

Nakapagdesisyon na ako.  Gusto ko siya na.

 

Huhuhu... Ready na ba akong masaktan?