"i found what you are like a rain." ee. cummings
BAKIT BA kapag nagliligpit-ligpit ka, andaming mga kalat na masarap titigan at gawing dahilan ng procrastination? Hindi naman lahat ng kalat ay basura. May dahilan kumbakit ang pira-piraso ng papel, bus tiket, pigtas na bracelet, pagot na beads at isang stick ng sigarilyo ay naiiwan sa isang tabi hanggang sa makalimutan mo na ito. Pero... Sapul ako ng tinuran ng isang kakilalang napikon sa kakulitan ko dati. "Let bygones be bygones." Ganun naman ang ginagawa ko ngayon. Unti-unti, nakakawala na ako sa eksena kasama siya.
Hindi ko dapat sinusulat ito dito dahil hindi ko alam kung sino sa mga hardcore kong tropa ang pwedeng makabasa nito. Sira na naman ang role portrayal ko. Hindi ko dapat sinasabi ito dito dahil baka mabasa mo ito bago ko pa ito masabi sayo sa totoong buhay. Pero kahit yata masabi ko ito ng harap-harapan, balewala lang. Ewan ko sayo. Alam kong andun na ako sa eksenang hulog na ako sa bangin, at walang siguradong superhero na lilipad at sasagip sa akin. Pero... anong magagawa ko? Nandito na nga ako kahit iniwasan kong tumakbo at sundan ang kadulu-duluhan ng kuryosidad ko sa iyo.
Gusto ko lang malaman mo na nagpapasalamat ako sa Diyos dahil dumating ka sa buhay ko kahit medyo parang Takeshi pa rin ang challenge ng friendship natin. Dahil sayo, kahit mahirap pala kaya kong maging malakas. Salamat sa pagtulong mo na mabalik ko ang tiwala kong kaya ko pa palang maging masaya.
"May dalawang klase ng tao sa mundo. Isang gago at isang tanga. Gago ka kapag nagmahal ka ng taong hindi ka naman mahal. Tanga ka kung hindi mo makita ang taong nagmamahal sa iyo. Alam kong gago ako, sana huwag kang maging tanga." ~hindi ako gago, mulciber
Ang hiling ko lang naman, sana hindi na lang Temporary High ang ibigay sa'kin. Sana yung totoo na. Kung pwede nga lang, ikaw na yun.