Splukadidang
NGAYON ko lang napag-isip-isip na nakakahiya yung ginawa ko. Naging all out na naman ako sa pagsasabing kras ko siya. Hindi man lang ako nagdalawang-isip. Kasi naman, halatang-obvious na eh. Wala na akong maitatago pa. Siguro naman alam na niya yun nuon pa dahil hindi naman siya tanga o tulog sa pansitan. Saka, ganun naman talaga ako, kapag gusto ko ang tao ora-orada sinasabi kong okey siya sa'kin. Kay Martin Luther lang naman ako nasira, for some reasons hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang manyakin si Tom Welling look-alike. hehehehe... Siguro kasi, kahit matigas ang dila niya (dahil taga-Timog na parti siya ng Pelipinas), napakadisente kasi nyang kausap.
So yun nga, alam na niya. Sa kabila ng maraming kasinungalingang naimbento ko para lang maiwasan kong magkalapit ang loob namin, wala namang nangyari. Lalo ko lang siyang ginustong makilala, at gusto ko na ang ugali niya. Kahit sobrang baduy niya, mabait naman siya at malawak mag-isip. Hindi ko katulad, napakaraming reservation sa katawan.
Nasabi ko nga sa kanyang gusto ko siyang ngumiti. Ay, nakakahiya yung sinabi ko! Baka kung ano na ang inisip niya. Eh anong magagawa ko, sa gusto ko nga siyang ngumiti? Pero hindi ko naman balak sirain ang buhay niya o anupaman dahil lang sa ngiti. Basta ganun lang. Sa tingin ko naman, hindi niya na pag-iisipan yun ng masama dahil kung ayaw niya sa akin, o hindi ako masyadong importante para pag-aksayahan ng panahon, hindi ko sana siya nakausap pa.
Doon kita naalala bigla. Ikaw kasi ang taong pinakamahirap pangitiin. Kaya dati, naging misyon ko sa buhay na pasayahin ka. Kaso lang, iba ka namang mag-isip. Advance. Kaya kahit anong gawin ko, hindi mo makuhang sumaya dahil iniisip mo agad yung pwedeng mangyari sa susunod na apat na buwan. Hay... kahit ganyan ka, naku... wala lang.
Pero nahihiya pa rin ako! Paano kung tinatawanan pala niya ako? Paano kung ako pala ang ignorante sa eksena? Paano kung hindi siya totoo? Paano kung hindi talaga siya mabait? Hay.. wag namang ganun.