Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/11/7

ang hologram ko ay nagiging muta na lang.

Tags:
@ 11:52 PM (12 months, 4 days ago)
intentional kaya na binanggit niya ang pangalan ko para maipamukha sakin na wala na ako sa present. nasa past na ako. ang chapter ko sa buhay niya ay tapos na at mukang malabo nang magreappearance ako dahil pinatay na niya ang karakter ko sa huling chapter.

ako na lang yata ang taong nabubuhay sa multo ng alaala. kapag nawala ang aspeto ng multo, kahit na puro sakit lang ang dinudulot nito at wala na ang saya, kung tatanggalin ang multo, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.