Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/11/18

serial

Tags:
@ 01:36 AM (11 months, 24 days ago)
QUIET, shy, sometimes aloof. Sometimes, mahirap i-predict kung ano ang magiging reaksyon o kung paano raw ako magre-react.  Ganyan ang description sa akin ng isang kakilala.  Konti na lang daw diprensya ko sa serial killer. I need to relax daw.

Hindi ako serial killer. Marami ka pang hindi alam tungkol sakin. I can be whatever you want, I can be whatever I want. I can be everything you need. Ang problema lang you don't give a damn.

hmph.. kusang lalayo sayo.

2008/11/7

ang hologram ko ay nagiging muta na lang.

Tags:
@ 11:52 PM (12 months, 4 days ago)
intentional kaya na binanggit niya ang pangalan ko para maipamukha sakin na wala na ako sa present. nasa past na ako. ang chapter ko sa buhay niya ay tapos na at mukang malabo nang magreappearance ako dahil pinatay na niya ang karakter ko sa huling chapter.

ako na lang yata ang taong nabubuhay sa multo ng alaala. kapag nawala ang aspeto ng multo, kahit na puro sakit lang ang dinudulot nito at wala na ang saya, kung tatanggalin ang multo, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.