Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/10/6

Wanted: Totoy Moolah

Tags:
@ 12:14 PM (13 months, 7 days ago)

GUSTO KONG magdrama. Hindi pa rin kasi ako maka-get over dun sa pagkawala ng petty moolah on hand ko. Actually, nung isang linggo pa ako wala sa focus dahil nagwori ako ng konti sa eksena ko nung last Sunday. Bigla kasing maghahapit ako ngayon dahil yung extra moolah eh biglang *poof* gone na. Pinagpuyatan ko yung pagbabaligtad ng kuwarto ko pero talagang ala. Tae talaga. 

Ayaw ko na lang magbintang. Sabagay, noon ko pa naman alam na medyo mga haragan at mannyonyopi yung ibang tao.  Umasa lang talaga ako na hindi nila ako tataluhin dahil matino akong makisama. Hindi ko balak mag-freak out pero lesson learned ito. Totoo nga ang kasabihan ng mga matatanda, some things change, some things don't and some things just can't.