Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/10/27

Malaking Sayang Nga Ba?

Tags:
@ 11:06 AM (12 months, 29 days ago)

OUT FROM nowhere na tanong lang ito, "Nakapunta ka ba sa Hex?"  Sumagot siya ng, "Yes! Ikaw?"

Sabi ko, oo pero bakit hindi ko siya nakita samantalang nasuyod ko nang tingin ang buong Hex. Andun daw sila sa gilid.  Ako naman nasa likod nung una bago mapunta sa gilid.

"Bakit hindi mo ako tinext?" tanong niya.

"Kasi tanga lang," sabi ko. Ibig kong sabihin, hindi ko naisip. Sarili ko lang at yung ipinunta ko roon ang naisip ko.

Pero hindi rin naman siya nag-text.  Meaning, hindi naman din niya ini-expect na magkita run. Ganun din ako. Ganun lang yun.




2008/10/6

Wanted: Totoy Moolah

Tags:
@ 12:14 PM (13 months, 20 days ago)

GUSTO KONG magdrama. Hindi pa rin kasi ako maka-get over dun sa pagkawala ng petty moolah on hand ko. Actually, nung isang linggo pa ako wala sa focus dahil nagwori ako ng konti sa eksena ko nung last Sunday. Bigla kasing maghahapit ako ngayon dahil yung extra moolah eh biglang *poof* gone na. Pinagpuyatan ko yung pagbabaligtad ng kuwarto ko pero talagang ala. Tae talaga. 

Ayaw ko na lang magbintang. Sabagay, noon ko pa naman alam na medyo mga haragan at mannyonyopi yung ibang tao.  Umasa lang talaga ako na hindi nila ako tataluhin dahil matino akong makisama. Hindi ko balak mag-freak out pero lesson learned ito. Totoo nga ang kasabihan ng mga matatanda, some things change, some things don't and some things just can't.

 

2008/10/4

ayzus, pusa

Tags:
@ 06:02 PM (13 months, 22 days ago)

ahuhuhu… olats.

bat di pa kasi ako maniwala sa sarili ko na pa-asa lang yung ibang  tao. ginagawa lang akong palaman ng kanilang mga ego. ahuhuhu…

malay naman natin, sinasabi ko  lang na tinamaan ako kasi wala akong makitang ibang pwede. pero hindi pa lang talaga dumadating ang bagyong lulunod sakin. ahuhuhu...

ulatsinelas

Tags:
@ 05:56 PM (13 months, 22 days ago)
sabi ko naman sayo eh, kalimutan mo na yun.  hindi bagay sayo ang havaianas. hanggang tribu ka lang. 

2008/10/3

the 'b' in me

Tags:
@ 05:09 PM (13 months, 23 days ago)

buddy, jeff and john (plus i who once in a while would butt in) were discussing the upcoming beach holiday when he passed by.

him: [papampam mode] magbi-beach kayo. bat hindi niyo ako iniimbita? imbitahan nyo naman ako.
buddy: sige, uy! sama ka, magbi-beach kami.
him: hahahaha! sama ako.
(minutes after he's gone.)
ako: [clenched fist aimed to buddy] ack! pag sumama yung autistic na yun, hindi na ako sasama, kesehodang magbayad ako ng one-five sa wala.
[tawanan silang lahat]