Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/8/25

super(sized) ego trip

Tags:
@ 01:14 AM (15 months, 3 days ago)

BAKIT KAYA may mga taong ganun? Yung ayaw pa akong diretsuhin kung anong kailangan kong gawin.  In the end naman, yung gusto kong gawin eh hindi rin sila pabor.  Sabi ng isang kausap ko, "Because they expect you to read their minds."  Aba, clairvoyance na pala ang bagong talent ko.  Eh sobrang lungkot na lang sa kalooban nun dahil nakabitin ako somewhere at hindi ko masabing mali ako. 

Yes or no lang naman ang sagot sa tanong. Hindi pa masagot.  Palagi na lang EWAN. Kasimple-simple lang naman sana ang buhay (parang yung sa kanta), gustong gawing kumplikado.  Gusto ng problema.  Eh anong gagawin ko kung hindi ko alam kung anong gagawin ko?  Eh di wala?  Hanggang kelan naman ako sa loob ng hanging by a moment period?  Wag namang ganun.  Ano ako, palamuti sa kisame na dapat isabit? Tanga ko naman, pag ibang tao ang galing ko. Ang dami kong words of wisdom. Pag ako na, mental block.

Alam ko naman na eh.  Hindi ko pa lang siguro makumbinse ang sarili ko na minsan, paasa lang talaga ang ibang tao. Ginagawa ka lang nilang pampataba ng ego, aminin man nila o hinde.

2008/8/18

Summer Scents

Tags:
@ 05:28 PM (15 months, 9 days ago)

UMUULAN NA naman kagabi. Minsan naiisip ko na wala nang ibang panahon sa Pilipinas kungdi tag-ulan dahil sira na siklo ng panahon.

Naalala ko tuloy, umuulan din nung makilala kita.  Pero hindi nasira ang siklo nung panahong yun. Kasi ikaw ang naging tag-araw.

Hanep, blog-material ba ito?