Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/6/19

bading ako na nag-iisip.

Tags:
@ 03:51 PM (17 months, 11 days ago)

MATAGAL KO nang alam na bading ako. Kung natakot man akong malaman ng iba, may dahilan naman ako.

Pero kahit natakot ako sa maraming posibilidad at maaaring idulot sakin ng mga sirkumstanya sapagkat namimili ako ngayon at naglalakas-loob magdesisyon, hindi ibig sabihin noon mananatili akong walang buto na hindi kayang ipaalam na ito pala ang tunay na iniisip ko, ito pala ang nararamdaman ko.

Natatakot ako, oo.  Dapat lang.  Dahil matatalino lang ang natatakot. Matatalino lang ang nakakapag-isip ng sobra pa sa sarili niyang pangangailangan.  Kailangan kong maging matalino.  Dahil ayokong maging tanga-tangahan na lang, or worst bobo.  Walang gamot sa bobo.