"anong sinabi ng IPIS sa taong nanghampas ng tsinelas sa kanya?"
"wow, kung makahampas ka, kala mo close tayo."
(forwarded joke from a friend)
FRIEND. ITO na yata ang pinakanaabusong salita sa diksyunaryo nung 'close' pa tayo. Kung tutuusin, hanggang ngayon naman eh. Pwede na ngang magreklamo ang salitang yan sa Karapatan sa sobrang pang-aabuso sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ganun pa rin ang tawag mo sakin samantalang ang sabi mo dati, sinungaling ako and behind your back I'm somebody you can't imagine and I just used you. Ang sweet kaya... Gusto mo that time, sisihin ko ang sarili ko for staying away from you. Nagpakita lang ako sayo dati because of a religious gathering where I promised myself to see your family for the last time (kasi maayos naman silang kausap, like your mom and siblings), pero ayoko na talagang makita ka kahit kelan. Napagod na ako sa guilt trips mo, sa mga paawa effects mo, sa buntis ka yata issue mo, sa miscarriage issues at suicide attempts recounts mo.
Naging tanga ako. Kaya nasabi ko sa sarili ko, iyon na ang huling goodbye ko sayo at sa lahat ng bagay na konektado sayo. Kaya nang nabasa ko ang sulat mo kamakailan lang na nagsasabing kung pwede magkape tayo para pag-usapan ang mga bagay na na-miss out 'natin' sa mahabang panahon na hindi tayo nag-usap, napa-talaga lang ako. Nagpapatawa ka ba? Wala akong na-miss out na kahit ano. At hindi ko kawalan kung hindi na tayo maging close ulit. Yun nga ang gusto ko. Mawalan ng pesteng kumukulit sakin everytime. Kala mo siguro cute ka at matutuwa ako sa pa-sweet mo.
'dear friend' pala ha. fuck that shit.