Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/5/14

Heto Na Nga, Back To The Future

Tags:
@ 06:20 PM (18 months, 19 days ago)

Mahal kong Sunshine in my cup:

ANG FUTURE na inaabangan ng marami ang isang bagay na ayaw ko muna sanang dumating hangga't hindi pa klaro sa plano kung paano ba ang mabuting gawin sa tambak ng mga natenggang unfinished businesses.

Kagabi, nagkapanahon akong titigan ang ambon habang pauwi kami.  Sa tapat ng lamp post, kitang-kita ko na parang nalalaglag na buhangin ang anggi.  Pakiwal-kiwal ito na parang naliliyo sa hangin.  Pero kahit paano pa siya tangayin ng hangin, walang makapigil sa pagpatak nito.  Makulit.

Ang future, parang ulan.  Makulit din.  Hindi mapigil sa pagdating.  Mentras pinipigil mo, lalong bumibigat.  Kahit anong klaseng distraction o hangin pa ang umihip, bubuhos pa rin.  Parang mga bagay-bagay na dating malaking ulap lang ng what-if thought sa guni-guni na nag-materialize na ngayon para maramdaman.

Sa tingin ko, hindi ko na kayang i-distract ang sarili ko.  Kahit siguro mapuno ako ng intindihin, may mga bagay talaga na nangingibabaw at kailangang asikasuhin.  Andito na ako sa eksena na hindi ko na matakasan ang totoo.  Kailangan ko na talagang aminin sa sarili ko na tulad ng konsepto ng ulan, may damdaming masyado nang mabigat para pigilin ang pagbagsak. 

Pasensya na kung panira ako ng katahimikan ng eksena mo, pero hindi ko na mahintay ang oras dahil kailangan ko nang sabihin ngayon na gusto kita.

 

Padayon. 

 

Ps. hindi ako lasing.