Series of notes to the unknown.
2008/3/25
Spoon(-f)ed
Kung alam ko lang eh di sana nuon pa lang massive embracing na ang ginawa ko. Paboritong body pillow ko ang human body eh. hehehehe...
2008/3/9
2008/3/5
2008/3/3
could you please tone down your voices?
yung occupant sa kabilang kuwarto, magdamag na nag-usap in maximum volume. kaya, sinara ko yung lahat ng bintana ng kuwarto at nagtalukbong at nagtakip ako ng unan sa tenga.
around seven in the morning ako nagising dahil nabulahaw ako ng maingay sa kabilang kuwarto. hindi sila nag-uusap. para silang nag-aaway. yung away na wrestling na passionate. alam nyo na yun kung ano.
2008/3/2
Putikang Pandamdam
KINAKABAHAN AKO na baka kainin ko ang sinabi kong hardcore ako at hindi ako basta-basta iiyak nang dahil lang sa sweet and spicy fried noodles. Pag nangyari yun, matatalo ako sa pustahan at magpapagupit na naman ako as a consequence.
Ginagawa ko lang bang bisyo ang pagkagusto ko sa'yo? Iniisip ko sa ngayon, kung paano ko unti-unting hihiwalayan ang pag-iisip ko sa iyo sa paraang mananatiling magkaibigan tayo at hindi mo mahahalatang nahuhulog ang loob ko nang tuluyan sa'yo. Ayokong malaman mo na hindi totoong hindi ako interesadong maging kabahagi ng buhay mo. Gusto ko pero natatakot ako. Putik, putik, putik.
