Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/2/28

Caramoo

Tags:
@ 08:24 PM (20 months, 17 days ago)

Hoy, finally nag-usap na rin tayo nang mahaba-haba.  Kahit walang masyadong kuwenta. Kahit walang lalim.  Tagal mo ring hindi nagparamdam tso. 

Nag-wonder nga ako kung interesado ka ba talaga sa Caramuan island o gusto mo lang mag-umpisa ng usap.  Siguro interesado ka sa Caramuan island.  Pero pwede mo rin namang i-google na lang yung Caramuan island para malaman kung saan siya.  Ganun na kasi ngayon, diba?  Nagwa-wonder din ako kung gusto mong sumama sana.  Kung sana, sigurado na akong sasama, isasama kita.  Gusto sana kitang maka-bondian, este maka-bonding pala kahit basted nako hehehehehehehe!

2008/2/10

expired

Tags:
@ 01:52 PM (21 months, 6 days ago)

NAGKALIMUTAN NA yata kami ni (ex) Pag-Ibig.  Sus.  Hindi naman porke hindi na kami pwede mainlababo sa isa't isa, hindi ibig sabihin nun hindi na rin kami mag-uusap.  Ganun na lang ba yun? Sus, kalokohan.  Hindi naman kami nag-away ah.

Ang totoo, sobrang okay lang naman na magkuwentuhan ulit kami. Pero siguro... Istoryahan na lang talaga ang pwedeng mamagitan sa'min.