pag-ibig superhero
Kapag kasama kita,
nagiging walanghiya ako
nawawalan ako ng hiya sa katawan.
sapat na
ang hawak ko ang iyong kamay
para kumapal ang mukha ko
lalakad tayo lansangan
habang kumakandirit
na parang si little red riding hood
kasama ang isa sa mga batang
iniligaw ng tatay sa kagubatan
na kinupkop ng bruha
upang gawing hapunan.
tatawa tayo na parang
walang
ibang
taong
pwedeng
maging
kasinglupit natin
at gusto kong malaman ng buong mundo
na ang pinakawirdong tao
ay pwede ring magtanggol
sa mga panda
at zebra
tayo na
yun.