Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/1/9

Shet in lababo

Tags:
@ 12:23 PM (22 months, 22 days ago)

Sobrang nami-miss ko na siya. Kaso lang, gago kasi ako na nagpakatae. Alam ko na nga nasa edge of becoming olats na ako, hindi ko pa binantayan ang sarili ko. Doble-olats naman kung mangungulit pa ako. Dapat makaramdam na ako. Heniweys, ang mahalaga alam na niya ang totoo. Mahal ko si pag-ibig, tso. Period.

McArthur

Tags:
@ 12:16 PM (22 months, 22 days ago)

Barado yata poso-negro. Tatawag na ba ako ng Ebak Excavator?

Lupit mo, tso. Heavy metal. Daig mo pa yung heneral.

 

 

2008/1/2

pag-ibig superhero

Tags:
@ 05:54 PM (22 months, 29 days ago)

Kapag kasama kita,
nagiging walanghiya ako


nawawalan ako ng hiya sa katawan.

sapat na
ang hawak ko ang iyong kamay
para kumapal ang mukha ko

lalakad tayo lansangan
habang kumakandirit
na parang si little red riding hood
kasama ang isa sa mga batang
iniligaw ng tatay sa kagubatan
na kinupkop ng bruha
upang gawing hapunan.
tatawa tayo na parang
walang
ibang
taong
pwedeng
maging
kasinglupit natin


at gusto kong malaman ng buong mundo
na ang pinakawirdong tao 
ay pwede ring magtanggol
sa mga panda
at zebra

at
tayo na
yun.