if you believe in fantasia
naner wrote:
May kwento ako tungkol sa sirena, gusto ko talaga makakita ng sirena.
Nakakita na ako dati nito pero hindi ko pinagtagal ang tingin ko sa kanya kasi baka maging bato ako, para rin pala syang si medusa sa una ay malambing pero gagawin ka rin nyang bato pag nakilala mo na sya. Kakaiba yung sirena na to masyadong mapusok hahaha!!! Isa pa “masyadong mapusok” haha!! Pero tinanggihan ko na ang alok nya na maging shokoy kasi panget ang shokoy, at ayoko na maging bato, text text nalang ang sabi ko at ngreply ako ng “hu u?” hahaha!!! Regionalistic talaga ang mga Pilipino minsan..
bow. naner eshu
#####
pre:
may kuwento rin ako. may isang water fairy ang na-in love sa isang sea lion. heheheh... hindi ko sigurado kung sea lion ba o sea horse, (hayan, kakainom ng redhorse yan ang napapala ko, nasisira ang symbolisms). pero mas magandang gawin na lang nating sea lion for the sosi efek. tuwing naaalala ng fairy ang sea lion, nade-depress ito at sumasama ang panahon. umiiyak ito hanggang sa makagawa na rin siya ng sariling dagat, hoping that through her self-made pool makakalangoy na si sea lion papuntang heartless valley at maging lion king balang-araw. a sea lion king to be exact. madalas ganun ang moda ng fairy thus, the so-called tropical depression (dahil nasa tropical country tayo).
bow.