Mahalia Mendez
Lagi mo na lang sinasabing lasing ako tuwing sinasabi kong mahal kita. O siya, hindi ko man direktang sinasabing mahal nga kita pero ganun na rin yun. Kapag hiniling ng isang tao na maging fried noodles ka niya para na rin niyang hiniling na sana kayo na. Kapag nag-e-effort ang isang tao na maglaan ng ekstra oras para lang isipin kung anong hitsura mo sa pagtulog, para na rin niyang inilaan ang buong buhay niya para bantayan ka. Mahal kita. Mahal kita kahit ayaw mong maniwala at kahit ibang klase kang mag-trip at iba ka as a whole.
Ikaw, kaya mo bang magmahal ng baby cabinet?