Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2007/12/29

if you believe in fantasia

Tags:
@ 11:09 AM (22 months, 19 days ago)

naner wrote:

May kwento ako tungkol sa sirena, gusto ko talaga makakita ng sirena.

Nakakita na ako dati nito pero hindi ko pinagtagal ang tingin ko sa kanya kasi baka maging bato ako, para rin pala syang si medusa sa una ay malambing pero gagawin ka rin nyang bato pag nakilala mo na sya. Kakaiba yung sirena na to masyadong mapusok hahaha!!! Isa pa “masyadong mapusok” haha!! Pero tinanggihan ko na ang alok nya na maging shokoy kasi panget ang shokoy, at ayoko na maging bato, text text nalang ang sabi ko at ngreply ako ng “hu u?” hahaha!!! Regionalistic talaga ang mga Pilipino minsan..

bow. naner eshu

#####

pre:

may kuwento rin ako. may isang water fairy ang na-in love sa isang sea lion. heheheh... hindi ko sigurado kung sea lion ba o sea horse, (hayan, kakainom ng redhorse yan ang napapala ko, nasisira ang symbolisms). pero mas magandang gawin na lang nating sea lion for the sosi efek. tuwing naaalala ng fairy ang sea lion, nade-depress ito at sumasama ang panahon. umiiyak ito hanggang sa makagawa na rin siya ng sariling dagat, hoping that through her self-made pool makakalangoy na si sea lion papuntang heartless valley at maging lion king balang-araw. a sea lion king to be exact. madalas ganun ang moda ng fairy thus, the so-called tropical depression (dahil nasa tropical country tayo).

bow.

2007/12/26

Mahalia Mendez

Tags:
@ 04:40 PM (22 months, 22 days ago)

Lagi mo na lang sinasabing lasing ako tuwing sinasabi kong mahal kita. O siya, hindi ko man direktang sinasabing mahal nga kita pero ganun na rin yun. Kapag hiniling ng isang tao na maging fried noodles ka niya para na rin niyang hiniling na sana kayo na. Kapag nag-e-effort ang isang tao na maglaan ng ekstra oras para lang isipin kung anong hitsura mo sa pagtulog, para na rin niyang inilaan ang buong buhay niya para bantayan ka. Mahal kita. Mahal kita kahit ayaw mong maniwala at kahit ibang klase kang mag-trip at iba ka as a whole.

Ikaw, kaya mo bang magmahal ng baby cabinet?

2007/12/9

Wawa sa Pagoda Album

Tags:
@ 09:14 AM (23 months, 9 days ago)

MARUNONG DING mapagod ang tao. At pagod na ako. Ayoko nang magparamdam. Natanggap mo man ako o hindi, wala na akong pakialam. Nagawa ko na yung parte ko sa eksenahan, ikaw na ang magpuno ng ibang parte. Balik na ako sa pagka-Hardcore-death-metal-punk-rocksteady mode. Ayoko na ng tipo mong musika. Emo-rock.

 

2007/12/4

Noodled Pride

Tags:
@ 03:32 PM (23 months, 14 days ago)

"kapag tinanggihan mo na ang fried noodles, hindi mo na dapat binabalikan pa."

Tanong ng kakilala ko, "Sino ba yung fried noodles? Bakit mo tinanggihan?"

Sabi ko, hindi para sakin yang statement na yan. Wala ngang mag-alok, tatanggi pa.

Sayang, ang cheap na nga ng taste ko, yakisoba lang hindi pa ma-offer-an. Nakukuha naman ako sa instant eh, sana mapansin niya. Hahahaha.

===========

Edit: Ire-revise ko lang yung sarili kong statement, "ang tinalikurang fried noodles, hindi na dapat balikan. Pero kung may magandang rason naman, pwedeng initin ung noodles para hindi mapanis."

Ayokong mag-esplika at tinatamad ako.