That Which Produces Sufferings
That Which Produces Suffering
YOGURT ang paborito kong indulgence sa ngayon tuwing umaga. Hindi ko na maalala kung kelan yung eksaktong panahon na nag-umpisa ang pagyo-yogurt overload ko pero natatandaan kong iminungkahi ito sa'kin dahil nga nga sa imbalance diet ko raw. Yogurt at banana. Yogurt at wheat bread. Yogurt at peanut butter sandwich. Yogurt at tuna sandwich. Yogurt at kape. So ayun na nga, parang gusto kong punuin ng 'good' bacteria at kung anik-anik na microorganism ang bituka ko para luminis ang digestive echozers ko (sorry, hindi ako masyadong nag-research kaya ganyan na lang muna ang alternative terminology. Ketchup po ba?) Nag-wonder nga ako kung kapamilya ng Lacto bacilli Shirota strain yung kiyeme sa yogurt. Hindi kaya? Hmmm... posible.
May nabasa ako tungkol sa Pathogens. Sa description ng mga henyo at pantas ng medisina, ang pathogens ang mikrobyo (o bakterya? Pareho lang ba yun? Ewan ko. Dra. Red tulungan mo naman akong sagutin ito. Ü) nagdudulot ng sakit sa tao na nasasagap niya sa paligid niya.
"The term is most often used for agents that disrupt the normal physiology of a multicellular animal or plant. However, pathogens can infect unicellular organisms from all of the biological kingdoms." Anak ng... ano raw?!? *kamut-ulo* Ah basta, sa salitang Griyego, ang ibig niyang sabihin eh "that which produces suffering." Kumbaga, nagdudulot ng sakit, parusa, epidemya, sumpa, at kung anu-ano pa, basta anything that's bad for your health, malamang pathogen yun.
Naisip ko tuloy... naging pathogen din kaya ako sa iba? Yung ako yung nagdudulot ng sakit, parusa, epidemya, sumpa at kung anu-ano pa? Wala namang taong ligtas sa mikrobyo kahit na tumira siguro siya sa PAMET laboratory. Kaya malamang, isang bakterya ako na nagkatawang tao at naging sakit ng kalooban ng ibang tao, parusa, epidemya, sumpang hindi matanggal-tanggal ng albularyo at kung anu-ano pa. At naisip ko rin... ikaw kaya, anong klaseng mikrobyo? Malamang, isa kang uri ng Streptococcus na hindi pa matukoy ang genus. Ikaw yung mikrobyong nakakalat sa hangin na nagpapahirap sa paghinga ko. Bawat hininga kong laman ka, sakit ito ng kalooban at gunam-gunam. Kung ibabawal naman nila ang mikrobyong katulad mo, parang wala na ring silbing huminga pa. Kasi kahit virus ka sa buhay ko, mahal kita.