Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2007/10/9

Tawag ng Tanghalan, 07 Oktubre 2007

Tags:
@ 07:58 PM (25 months, 25 days ago)

Plinano ko talagang tawagan ka kagabi. Naisip ko langi na masaya siguro kung magsabi ako ng 'god bless' or 'ingatz' bago ka man lang sana umuwi ng probinsya ninyo. Gusto ko lang kumustahin ka kahit nakaka-text naman kita ng halus araw-araw. Wala lang. Ganun naman talaga, diba? ang nangyari nga lang, hindi ko agarang nagawa ang plano ko dahil ako man ay nasa biyahe rin. Hindi naman lingid sa kaalaman mo na magnet ako ng mga mandurukot at manyoyopi ng lansangan kaya ayokong magtatawag habang naglalakad. Nakailang wallet at cellphone na rin kasi ako kaya mabuti nang magtanda ako at ingatan ang gamit ko (lalo na kung wala pa akong pambili ng kapalit kung sakali man. Knock on the wood.)

Habang naiipit kami sa Sumatra road, hindi ko na namalayang hawak ko na pala ang cellphone ko at wala sa loob na pinipindot ang down pad ng navigator para sa mga numero. Tatawagan ba kita o hindi? Kailangan pa ba talaga kitang tawagan kung halus araw-araw naman kitang ka-text? Pero sa wakas, pinindot ko ang '4' ng dalawang beses at lumitaw ang pangalan mo sa pinakaibabaw. Tinangka kong kumonekta kaya lang, biglang dumilim ang screen ng cellphone ko. Empty na pala. Linsyak. Balewala ang pagmumuni-muni.

Pasado alas onse y media ng gabi na ako nakarating ng bahay at nuon pa lang ako nakahanap ng charger para sa cellphone ko. Pasado alas-dose na ng balikan ko ang cellphone para tumawag. Pero teka, naisip ko. Hindi na yata tamang magtatawag pa ako kung umaga na pala. Lalo na kung ang sasabihin ko lang naman ay 'ingatz'. Kaya, ipinasya kong mag-text na lang.
"Naalala ko lang, pauwi ka ng Tacloban. Ingat at magandang umaga. Mishu."

Hahaha... Maniniwala ka ba,  na nagulat ako sa mahinang tunog ng cellphone ko. Nang tingnan ko at basahin ang mensahe, tumatak ng husto sakin yung huling salita: "mishutu"

Bah. Hindi ka na asar sa akin kung ganun. Ayuz. Masarap na tulog ito.