Tekila Moments

Series of notes to the unknown.

2008/12/1

batok

Tags:
@ 11:55 PM (3 days, 18 hours ago)
may problema tayo sarili, mukhang masyado na kayong close. alam mo namang risky, bakit sumusugal ka pa? alam mo namang ang laki ng investment niyan, tiyak na matatalo ka lang pero nag-iinvest ka pa rin ng kapital.

nakikita mo bang sarili mo? alam mo pa ba yung ginagawa mo?pano kayo magkakaintindihan? ang laki ng distansya nyo na, may language barrier pa kayo.

tangina mo kaw. baka mamaya iiyak-iyak ka diyan, wag mong sabihing wala kang narinig na paalala sa kin.   wala kang kadala-dala.

2008/11/18

serial

Tags:
@ 01:36 AM (17 days, 16 hours ago)
QUIET, shy, sometimes aloof. Sometimes, mahirap i-predict kung ano ang magiging reaksyon o kung paano raw ako magre-react.  Ganyan ang description sa akin ng isang kakilala.  Konti na lang daw diprensya ko sa serial killer. I need to relax daw.

Hindi ako serial killer. Marami ka pang hindi alam tungkol sakin. I can be whatever you want, I can be whatever I want. I can be everything you need. Ang problema lang you don't give a damn.

hmph.. kusang lalayo sayo.

2008/11/7

ang hologram ko ay nagiging muta na lang.

Tags:
@ 11:52 PM (27 days, 18 hours ago)
intentional kaya na binanggit niya ang pangalan ko para maipamukha sakin na wala na ako sa present. nasa past na ako. ang chapter ko sa buhay niya ay tapos na at mukang malabo nang magreappearance ako dahil pinatay na niya ang karakter ko sa huling chapter.

ako na lang yata ang taong nabubuhay sa multo ng alaala. kapag nawala ang aspeto ng multo, kahit na puro sakit lang ang dinudulot nito at wala na ang saya, kung tatanggalin ang multo, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

2008/10/27

Malaking Sayang Nga Ba?

Tags:
@ 11:06 AM (1 month, 9 days ago)

OUT FROM nowhere na tanong lang ito, "Nakapunta ka ba sa Hex?"  Sumagot siya ng, "Yes! Ikaw?"

Sabi ko, oo pero bakit hindi ko siya nakita samantalang nasuyod ko nang tingin ang buong Hex. Andun daw sila sa gilid.  Ako naman nasa likod nung una bago mapunta sa gilid.

"Bakit hindi mo ako tinext?" tanong niya.

"Kasi tanga lang," sabi ko. Ibig kong sabihin, hindi ko naisip. Sarili ko lang at yung ipinunta ko roon ang naisip ko.

Pero hindi rin naman siya nag-text.  Meaning, hindi naman din niya ini-expect na magkita run. Ganun din ako. Ganun lang yun.




2008/10/6

Wanted: Totoy Moolah

Tags:
@ 12:14 PM (2 months, 7 hours ago)

GUSTO KONG magdrama. Hindi pa rin kasi ako maka-get over dun sa pagkawala ng petty moolah on hand ko. Actually, nung isang linggo pa ako wala sa focus dahil nagwori ako ng konti sa eksena ko nung last Sunday. Bigla kasing maghahapit ako ngayon dahil yung extra moolah eh biglang *poof* gone na. Pinagpuyatan ko yung pagbabaligtad ng kuwarto ko pero talagang ala. Tae talaga. 

Ayaw ko na lang magbintang. Sabagay, noon ko pa naman alam na medyo mga haragan at mannyonyopi yung ibang tao.  Umasa lang talaga ako na hindi nila ako tataluhin dahil matino akong makisama. Hindi ko balak mag-freak out pero lesson learned ito. Totoo nga ang kasabihan ng mga matatanda, some things change, some things don't and some things just can't.

 

2008/10/4

ayzus, pusa

Tags:
@ 06:02 PM (2 months, 2 days ago)

ahuhuhu… olats.

bat di pa kasi ako maniwala sa sarili ko na pa-asa lang yung ibang  tao. ginagawa lang akong palaman ng kanilang mga ego. ahuhuhu…

malay naman natin, sinasabi ko  lang na tinamaan ako kasi wala akong makitang ibang pwede. pero hindi pa lang talaga dumadating ang bagyong lulunod sakin. ahuhuhu...

ulatsinelas

Tags:
@ 05:56 PM (2 months, 2 days ago)
sabi ko naman sayo eh, kalimutan mo na yun.  hindi bagay sayo ang havaianas. hanggang tribu ka lang. 

2008/10/3

the 'b' in me

Tags:
@ 05:09 PM (2 months, 3 days ago)

buddy, jeff and john (plus i who once in a while would butt in) were discussing the upcoming beach holiday when he passed by.

him: [papampam mode] magbi-beach kayo. bat hindi niyo ako iniimbita? imbitahan nyo naman ako.
buddy: sige, uy! sama ka, magbi-beach kami.
him: hahahaha! sama ako.
(minutes after he's gone.)
ako: [clenched fist aimed to buddy] ack! pag sumama yung autistic na yun, hindi na ako sasama, kesehodang magbayad ako ng one-five sa wala.
[tawanan silang lahat]

2008/9/29

diana ross moment

Tags:
@ 11:47 PM (2 months, 6 days ago)
nasabi ko sa kanya kung ano ba talaga lagay ko. eh alam  na raw niya matagal na. actually.

ayzuz. ayuz.

2008/9/26

bakit nga ba?

Tags:
@ 05:53 PM (2 months, 10 days ago)

pwede naman akong umalis kung kelan ko gusto. bat andito pa rin ako?

tama na siguro yung desisyon ko na ituloy na. eto na eh.